Date
Time
CityLoading...
Weather☀️ 29.9°C
USD P62.54
EUR €0.86
The Insider News Philippines
Back to Home
Metro

Ginang kritikal, 3 sugatan sa salpukan sa QC

NI Tony CastilloOctober 7, 20261 min read10 views3 days ago
Ginang kritikal, 3 sugatan sa salpukan sa QC

KRITIKAL ang isang ginang habang tatlo pa ang sugatan matapos araruhin ng isang pickup truck ang ilang sasakyan sa Barangay North Fairview, Quezon City, Miyerkules ng umaga.

Batay sa paunang impormasyon, nawalan umano ng kontrol ang driver ng pickup truck pasado alas-9 ng umaga at sunod-sunod na sinalpok ang isang tricycle, school service at poste ng kuryente.

Isang estudyanteng naglalakad naman sa gilid ng kalsada ang nahagip ng pickup truck.

Nabatid na sakay ng tricycle ang ginang nang araruhin ito ng pickup truck. Sugatan din ang driver ng pickup truck sa insidente.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang aksidente, kabilang ang dahilan kung bakit nawalan ng kontrol ang driver sa sasakyan.

Share:

Related Articles