Date
Time
CityLoading...
Weather☀️ 29.9°C
USD P62.54
EUR €0.86
The Insider News Philippines
Back to Home
Regions

Construction worker, patay matapos tamaan ng kidlat

Ni Alex Galang October 10, 20261 min read3 views1 day ago
Construction worker, patay matapos tamaan ng kidlat

LABANGAN, Zamboanga del Sur — Nasawi ang isang 51-anyos na construction worker matapos tamaan ng kidlat habang nagtatrabaho sa isang tambakan sa Barangay Bokong, Labangan, nitong Biyernes ng hapon, Oktubre 9.

Kinilala ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang biktima na si Dominador Labora, residente ng Purok Santan, Upper Pulacan, Labangan.

Batay sa imbestigasyon ng Labangan Municipal Police Station, naganap ang insidente dakong alas-3 ng hapon sa Purok 7, malapit sa dam ng National Irrigation Administration (NIA).

Nagtatrabaho umano si Labora kasama ang tatlo niyang kasamahan nang bigla siyang tamaan ng kidlat.

Ayon sa Emergency Operations Center ng MDRRMO, idineklara ng attending physician ng Labangan Rural H

Matapos ang insidente, dinala ang mga labi ni Labora sa isang punerarya sa Barangay Tuburan, Pagadian City.

Share:

Related Articles