Date
Time
CityLoading...
Weather☀️ 29.9°C
USD P62.54
EUR €0.86
The Insider News Philippines
Back to Home
Nation

Sandiganbayan pinayagan ang paglagda ni Romualdez sa Payatas jail

NI Cyrill QuiloOctober 10, 20262 min read11 views1 day ago
Sandiganbayan pinayagan ang paglagda ni Romualdez sa Payatas jail

PINAHINTULUTAN ng Third Division ng Sandiganbayan si dating House Speaker Martin Romualdez na lumagda sa pre-trial order ng korte sa loob ng New Quezon City Jail sa Payatas, Quezon City.

Ayon kay Dennis Pulma, clerk of court ng Third Division, inaprubahan ng korte ang mosyon ni Romualdez na lumagda sa naturang dokumento sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Oktubre 12, 2026.

Nakatakda rin sa Lunes ang pagdinig sa hiling ni Romualdez na makapagpiyansa.

Nahaharap sa kasong plunder si Romualdez kasama sina dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co at dalawa pang indibidwal dahil sa umano’y pagtanggap ng mahigit ₱7 bilyong kickback mula sa mga proyekto ng pamahalaan noong 2022 hanggang 2025.

Ang pre-trial order ay inilalabas ng korte matapos ang mga pagdinig bago simulan ang paglilitis. Nakadetalye rito ang mga napagkasunduan ng magkabilang panig, mga pagbabagong pinahintulutan sa mga pleadings, at mga pag-amin o kasunduang may kaugnayan sa kaso.

Layunin ng kautusan na tukuyin at limitahan ang mga usaping kailangang pagpasiyahan sa paglilitis, gayundin ang magsilbing gabay sa pagpapatuloy ng mga proseso sa korte.

Pinayagan din si Romualdez na dumalo sa mga susunod na pagdinig sa pamamagitan ng videoconference, sa kondisyong magsumite siya kaagad ng informed waiver.

Nauna nang dumalo si Romualdez sa mga pagdinig sa pamamagitan ng videoconference. Gayunman, nilinaw ng Sandiganbayan na maaari pa rin siyang obligahing humarap nang personal sa korte kung kinakailangan.

Share:

Related Articles