alaki, tumalon sa ilog matapos makitang may kasamang iba ang asawa

ISANG lalaki ang nailigtas ng mga awtoridad makaraang ma-trap sa isang imburnal nang tumalon umano ito sa ilog habang tinatangka umanong takasan ang lalaking nakita niyang kasama ng kanyang asawa sa Barangay Tatalon, Quezon City.
Ayon sa salaysay ng lalaking kinilala lamang sa alyas "Dennis" sa pulisya, nakita umano niya ang kanyang asawa na may kasamang ibang lalaki.
Nang siya ay habulin umano ng nasabing lalaki, nag-panic siya at tumalon mula sa isang tulay patungo sa ilog.
Sa halip na makalayo, inanod umano siya ng agos hanggang sa isang imburnal, kung saan siya na-trap at hindi na makalabas.
Ilang oras siyang hindi matagpuan bago natanggap ng mga awtoridad ang impormasyon hinggil sa kanyang kinaroroonan.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Barangay Tatalonkatuwang ang mga tauhan ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO).
Isinagawa ang rescue operation na kalaunan ay ligtas na naiahon ang lalaki mula sa imburnal.
Wala namang naiulat na malubhang pinsala sa lalaki kaugnay ng insidente. (



