Date
Time
CityLoading...
Weather☀️ 29.9°C
USD P62.54
EUR €0.86
The Insider News Philippines
Back to Home
Regions

Bangkay ng lalaki natagpuan sa loob ng sasakyan sa Baguio City

NI Edward VillosoOctober 5, 20261 min read14 views5 days ago
Bangkay ng lalaki natagpuan sa loob ng sasakyan sa  Baguio City

ISANG lalaki ang natagpuang patay at duguan sa loob ng isang nakaparadang SUV sa Km. 3, Marcos Highway, Barangay Bakakeng Central, Baguio City, nitong Lunes ng umaga, Oktubre 5, 2026.

Agad rumesponde ang mga awtoridad sa lugar matapos matuklasan ang bangkay.

Sa paunang imbestigasyon, isang 9mm Armscor pistol ang narekober sa loob ng sasakyan.

Nagsagawa rin ng pagsusuri ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) upang idokumento ang lugar at mangalap ng mga posibleng ebidensyang makatutulong sa pagresolba sa kaso.

Patuloy namang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima, gayundin ang sanhi at motibo sa likod ng insidente.

Tinitingnan din ng mga awtoridad kung may kaugnayan ang nakuhang baril sa pagkamatay ng lalaki

Share:

Related Articles