Date
Time
CityLoading...
Weather☀️ 29.9°C
USD P62.54
EUR €0.86
The Insider News Philippines
Back to Home
Regions

7 Miner patay sa nakakalasong gas sa Benguet

NI Edward VillosoOctober 2, 20261 min read4 viewsOct 2, 2026
7 Miner patay sa nakakalasong gas sa Benguet

PITONG minero ang nasawi matapos umanong malason sa nakalalasong gas habang nagtatrabaho sa loob ng malalim na tunnel sa Sitio Dalicno, Barangay Ampucao, Itogon, Benguet noong Miyerkules, Setyembre 30.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi bilang sina Bryan Campos Madrid, 18; Kenjie Igaan Mangayen, 19; Orviel Kiwingan Valdez, 22; Crisanto Igaan Gapacan Jr., 19; Hill Limong Padon, 25; Alvin Lazaro Daniel, 21; at Leonardo Bacuteng Pino, 62.

Batay sa report ng Itogon Municipal Police Station (IMPS), na-trap umano ang mga biktima sa loob ng tunnel matapos makalanghap ng gas na pinaniniwalaang nakalalason.

Agad namang humingi ng tulong ang kanilang mga kasamang minero nang malaman ang nangyari at makumpirmang hindi na makalabas ang mga biktima.

Ilang oras ding isinagawa ang rescue operation bago marekober ang mga labi ng pitong minero dakong alas-11 ng umaga noong Huwebes, Oktubre 1.

Iniulat naman sa pulisya ang insidente dakong alas-12:30 ng tanghali ng parehong araw.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy kung anong uri ng gas ang kumitil sa buhay ng mga minero, saan ito nagmula at paano ito kumalat sa tunnel.

Inaalam din ng mga imbestigador ang iba pang detalye na maaaring nagdulot sa pagkaka-trap at pagkamatay ng pitong biktima.

Share:

Related Articles