Date
Time
CityLoading...
Weather☀️ 29.9°C
USD P62.54
EUR €0.86
The Insider News Philippines
Back to Home
Metro

LTO-NCR nilamon ng apoy, P30K kagamitan napinsala

NI Tony CastilloSeptember 20, 20261 min read2 viewsSep 20, 2026
LTO-NCR nilamon ng apoy, P30K kagamitan napinsala

TINATAYANG P30,000 halaga ng mga kagamitan ang napinsala nang sumiklab ang sunog sa tanggapan ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) sa Araneta Avenue, Quezon City, Linggo ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), dalawang computer at dalawang mesa ang natupok nang magsimula ang apoy dakong alas-11:14 ng umaga sa isang opisina sa ikatlong palapag ng gusali.

Itinaas sa ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula dakong alas-12:04 ng tanghali.

Kabilang sa mga posibleng pinagmulan ng apoy ang electrical short circuit, ayon sa BFP.

Hindi naman kumalat ang apoy sa iba pang bahagi ng gusali.

Sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao na walang mahahalagang personal records ang nasunog. Ang mga computer na natupok ay ginagamit lamang umano sa inventory para sa distribution ng mga plaka.

Wala ring naiulat na nasawi o nasugatan dahil sarado ang tanggapan nang mangyari ang insidente.

Inaasahang magbabalik sa normal ang operasyon ng LTO-NCR ngayong Lunes, Setyembre 21.

Share:

Related Articles