Date
Time
CityLoading...
Weather☀️ 29.9°C
USD P62.54
EUR €0.86
The Insider News Philippines
Back to Home
Nation

El Niño posibleng tumindi sa Oktubre ayon sa PAGASA

NI Len DancelSeptember 23, 20262 min read9 viewsSep 23, 2026
El Niño posibleng tumindi sa Oktubre ayon sa PAGASA

INAASAHANG lalo pang lalakas ang umiiral na El Niño phenomenon pagsapit ng Oktubre at posibleng umabot sa “very strong” state bago matapos ang taon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Batay sa pinakahuling climate monitoring ng ahensya, maaaring magpatuloy ang El Niño hanggang sa unang bahagi ng 2027, kaya patuloy nitong mino-monitor ang posibleng epekto nito sa pag-ulan at temperatura sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, mas kapansin-pansin ang epekto ng El Niño mula Oktubre 2026 hanggang Pebrero 2027, kabilang ang posibilidad ng pagbaba ng dami ng ulan, paglitaw ng dry spells at drought sa ilang lugar.

Maaari rin umanong makaranas ang bansa ng temperaturang mas mataas kaysa sa karaniwan habang nagpapatuloy ang El Niño.

Kabilang sa mga sektor na posibleng maapektuhan ng matagal na tagtuyot ang agrikultura, suplay ng tubig, irigasyon at power generation, partikular sa mga lugar na makakaranas ng matinding kakulangan sa ulan.

Gayunman, nilinaw ng PAGASA na hindi nangangahulugang magiging tuyong-tuyo ang buong bansa dahil sa El Niño.

Maaari pa ring magkaroon ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Pilipinas, lalo na sa western sections kapag aktibo ang Southwest Monsoon o Habagat.

Nilinaw din ng PAGASA na hindi opisyal na classification ng ahensya ang terminong “Super El Niño.” Sa kanilang monitoring, ginagamit ang terminong “very strong El Niño” upang ilarawan ang inaasahang tindi ng climate phenomenon.

Patuloy namang naglalabas ang PAGASA ng mga advisory at climate outlook upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, mga magsasaka at iba pang sektor na makapaghanda sa posibleng epekto ng El Niño.

Share:

Related Articles