Date
Time
CityLoading...
Weather☀️ 29.9°C
USD P62.54
EUR €0.86
The Insider News Philippines
Back to Home
Regions

Hall of Justice sa Olongapo nakatanggap ng bomb threat

Ni Edward VillosoSeptember 30, 20261 min read5 viewsSep 30, 2026
Hall of Justice sa Olongapo nakatanggap ng bomb threat

KINANSELA ang operasyon sa Hall of Justice sa Olongapo City matapos makatanggap ng bomb threat ang isang staff ng Municipal Trial Court in Cities (MTCC) nitong tanghali ng Miyerkules.

Agad na rumesponde ang police bomb disposal unit at inilikas ang mga empleyado bilang pag-iingat.

Kinordonan din ng mga security guard ang gusali at hinarangan ang pagpasok ng mga tao habang nagsasagawa ng seguridad at pagsusuri ang mga awtoridad.

Ayon sa ulat, isang staff ng MTCC Branch 3 ang nakatanggap ng bomb threat at agad itong ipinaalam sa pulisya.

Dakong 2:07 ng hapon, iniutos ni Executive Judge Richard Paradeza ang pagkansela ng trabaho sa Hall of Justice dahil sa insidente.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy kung sino ang nasa likod ng bomb threat.

Wala pang kumpirmasyon kung may aktuwal na pampasabog na natagpuan sa gusali.

Share:

Related Articles