Date
Time
CityLoading...
Weather☀️ 29.9°C
USD P62.54
EUR €0.86
The Insider News Philippines
Back to Home
Regions

Grade 10 student may bitbit na .45 baril sa paaralan sa Samar

NI Edward VillosoOctober 2, 20261 min read6 viewsOct 2, 2026
Grade 10 student may bitbit na .45 baril sa paaralan sa Samar

CATARMAN, Northern Samar — KULONG ang isang Grade 10 student matapos mahulihan ng .45 caliber pistol, apat na magazine at 10 bala na ipinasok umano nito sa isang paaralan dito nitong Biyernes, Oktubre 2.

Nabisto ang estudyante matapos magsumbong ang isang kaklase sa kanilang guro habang nasa loob sila ng classroom.

Agad namang ipinaalam ng guro sa pulisya ang insidente na nagresulta sa pagresponde ng Catarman Municipal Police Station.

Ayon sa Police Regional Office 8 (PRO 8), nakumpiska mula sa menor de edad ang isang .45 caliber pistol na walang serial number, apat na magazine at 10 bala.

Sinabi umano ng estudyante na pag-aari ng kanyang ama ang baril.

Dinala ang menor de edad sa Women and Children Protection Desk para sa kaukulang assistance bago ito itinurn-over sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) para sa assessment at nararapat na intervention.

Kasunod nito, nakipagpulong ang mga pulis sa mga opisyal ng paaralan upang palakasin ang seguridad at maiwasan ang kahalintulad na insidente.

Muling nagbabala ang PRO 8 sa mga magulang at guardian na itago at seguruhing hindi maaabot ng mga bata ang kanilang mga baril, upang maiwasan ang aksidente at iba pang panganib.

Share:

Related Articles