Back to Home
Regions
2 Estudyante, patay sa sunog sa boarding house
NI Edward VillosoOctober 10, 20261 min read0 views1 day ago

NASAWI ang dalawang babaeng studyante makaraang ma trap sa nasusunog nilang boarding house sa isang residential compound sa Barangay Nazareth, Cagayan de Oro City.
Nabatid na ang sunog ay naganap nitong umaga ng Biyernes, Oktubre 9 na tumagal ng ikatlong alarma.
Batay sa inisyal na ulat, isa sa mga nasawi ay anak mismo ng may-ari ng boarding house.
Una umanong tinawagan ng may ari ang kanyang anak na nasa loob ng nasusunog na gusali subalit hindi na ito sumasagot sa cellphone nito.
Bandang pasado alas 11 ng tanghali nang mailabas ang mga sunog na labi ng mga biktima.
Hindi pa tukoy ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog na patuloy na iniimbestigahan pa
Share:



