Date
Time
CityLoading...
Weather☀️ 29.9°C
USD P62.54
EUR €0.86
The Insider News Philippines
Back to Home
MetroBREAKING

2 Kabataan natagpuang nakahandusay sa sapa

NI Tony CastilloOctober 2, 20262 min read12 viewsOct 2, 2026
2 Kabataan natagpuang nakahandusay sa sapa

In photo: Pinagtutulungan ng mga pulis at tauhan ng Quezon City BFP ang paglalagay sa spine board sa dalawang kabataan na kapwa natagpuang nakahandusay at hindi makagalaw sa gitna ng sapa sa Cubao, Quezon City, Biyernes ng umaga.

ISANG malaking palaisipan sa mga residente ang pagkakatagpo sa isang babae at isang lalaki na kapwa nakahandusay at hindi makagalaw sa gitna ng isang sapa sa Barangay Pinagkaisahan, Cubao, Quezon City, Biyernes ng umaga, Oktubre 2.

Tinatayang nasa 18 hanggang 20 taong gulang ang dalawang kabataan at sinasabing nagmula pa sa Baguio, ayon sa inisyal na impormasyon ng Police Station 10 ng Quezon City Police District (QCPD).

Dakong alas-7 ng umaga nang mapansin sila ng mga residente. Sa unang tingin, inakala ng ilan na patay na ang dalawa dahil kapwa nakahandusay at tila walang galaw.
Ngunit nang lapitan, nakita umanong buhay pa ang mga ito, nanginginig at hindi makagalaw.

Nang makausap, sinabi umano ng dalawang kabataan na nakararanas sila ng matinding pananakit sa balakang at puwit.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP) at maingat na inilagay sa spine board ang dalawa bago isinugod sa ospital para sa agarang lunas.

Samantala, palaisipan pa rin kung paano napunta ang dalawang kabataan sa gitna ng sapa at kung ano ang nangyari sa kanila bago matagpuan ng mga residente.

Patuloy ang imbestigasyon ng QCPD upang mabatid ang buong pangyayari.

Share:

Related Articles